Mga ganting hakbangin, isasagawa ng PLA laban sa military package ng Amerika sa Taiwan

2023-09-01 16:08:10  CMG
Share with:

Kaugnay ng pag-aaproba kamakailan ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ng isang military aid package sa Taiwan na nagkakahalaga ng 80 milyong dolyares, sinabi Huwebes, Agosto 31, 2023 ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na isasagawa ng People's Liberation Army (PLA) ng bansa ang lahat ng kinakailangang ganting hakbangin.

 

Saad ni Wu, kahit ipagkaloob ng Amerika ang mga sandata sa Taiwan, sa pamamagitan ng saklolong militar man o pagbebenta, napakalaking makikinabang dito ang military-industrial complex ng Amerika, at makakapinsala ito sa seguridad at kabiyayaan ng mga kababayang Taiwanes.

 

Ipinagdiinan niyang ang seguridad ng Taiwan ay umaasa sa komong sigasig ng mga kababayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits sa ilalim ng prinsipyong isang-Tsina, sa halip ng saklolong militar at pagbebenta ng sandata ng Amerika sa rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil