Magkasanib na pagpapatrol at ensayong militar, sinimulan ng PLA sa paligid ng isla ng Taiwan

2023-08-19 16:33:15  CMG
Share with:

Sinimulan ngayong araw, Agosto 19, 2023, ng Eastern Theater Command ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina ang magkasanib na pagpapatrol at ensayong militar sa dagat at himpapawid na nakapaligid ng isla ng Taiwan.

 

Ayon sa tagapagsalita ng naturang command, ang operasyong ito ay naglalayong palakasin ang kakayahan sa koordinasyon ng mga bapor at eroplanong militar sa pagkakaroon ng kontrol sa dagat at himpapawid.

 

Ito ay nagsisilbing mahigpit na babala laban sa pakikipagsabwatan ng mga separatista ng “pagsasarili ng Taiwan” sa mga puwersang dayuhang pumupukaw sa kanila, dagdag ng tagapagsalita.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos