Tsina at Indonesia, isasakatuparan ang komong pag-unlad

2023-09-09 17:58:06  CMG
Share with:

 

Nag-usap kahapon, Setyembre 8, 2023, sa Jakarta, Indonesia, sina Premyer Li Qiang ng Tsina at Pangulong Joko Widodo ng Indonesia.

 

Ipinahayag ni Li ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Indonesia, na ipatupad ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, palakasin ang koordinasyon sa mga estratehiyang pangkaunlaran, isakatuparan ang komong pag-unlad ng dalawang bansa, at ibigay ang pangmatagalang lakas para sa katatagan at kaunlaran ng rehiyon.

 

Sinabi naman ni Widodo, na nitong mga taong nakalipas, nakikita ang maraming bunga sa komprehensibo at estratehikong partnership ng Indonesia at Tsina, at kailangang palakasin pa ng dalawang bansa ang kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan, agrikultura, pangingisda, imprastruktura, digital economy, bagong enerhiya, turismo, kalusugan, at iba pa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos