Xi Jinping, bumati sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Hilagang Korea

2023-09-09 17:54:42  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Setyembre 9, 2023, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng bansa, ang mensahe kay Kim Jong Un, Pangkalahatang Kalihim ng Workers' Party of Korea at Pangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea, bilang pagbati sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng bansang ito.

 

Sa mensahe, ipinahayag ni Xi ang hangaring, tuluy-tuloy na matatamo ng Hilagang Korea ang tagumpay sa mga sosyalistang usapin.

 

Nakahanda rin aniya ang Tsina, kasama ng Hilagang Korea, na palakasin ang estratehikong pag-uugnayan, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, at pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos