Nabuo ngayong araw, Setyembre 12, 2023, sa Beijing, ang delegasyon ng Tsina para sa Ika-19 na Asian Games na gaganapin sa Hangzhou, lunsod sa silangan ng bansa.
Umabot sa 1,329 ang kabuuang bilang ng mga miyembro ng delegasyong Tsino, na kinabibilangan ng 886 na atleta. Kabilang dito, 71 atleta ang galing sa 19 na etnikong minorya ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa seremoniya ng inaugurasyon ng delegasyon, ipinahayag ni Gao Zhidan, puno ng delegasyong ito at Direktor ng Pangkalahatang Administrasyon ng Palakasan ng Tsina, na magsisikap ang delegasyong Tsino upang matamo ang mabuting bunga, sanayin ang mga koponan para sa Paris Olympics, at ibigay ang ambag bilang punong abala sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Asya at kasiya-siyang pagdaraos ng Asian Games.
Salin:Sarah
Pulido:Liu