Seremonya ng pagdedeliber ng mga sulo ng Hangzhou Asian Games, ginanap

2023-09-05 15:36:55  CMG
Share with:


Ningbo, lalawigang Zhejiang ng Tsina – Pormal na idineliber Lunes, Setyembre 4, 2023 ang mahigit 2,000 sulo para sa gaganaping Hangzhou Asian Games, at ipapadala ang mga ito sa 11 lunsod ng lalawigang Zhejiang.

 

Hanggang sa kasalukuyan, handang handa na ang aktibidad ng torch relay ng Hangzhou Asian Games.

 

Ang disenyo ng mga sulo na pinangalanang "Eternal Flame" ay binigyang-sigla ng kulturang Liangzhu na nagpapatunay ng 5,000 taong sibilisasyong Tsino.

 

Makaraan ng dalawang taong pananaliksik at pagyari, ang mga sulo ay umaangkop sa pagsunog sa labas sa mahabang panahon at iba’t ibang masalimuot na kondisyon ng klima.

 

Nagdidispley ang mga ito ng pagiging malikhain ng disenyo ng Tsino at kahusayan ng manupakturang Tsino.

 

Napag-alamang sisimulan sa Hangzhou sa Setyembre 8 ang torch relay ng Hangzhou Asian Games, at babalik ang mga sulo sa Hangzhou sa Setyembre 20.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil