Espesyal na kinatawan ng pangulong Tsino, dadalo sa summit ng G77 at Tsina sa Havana at dadalaw sa Cuba, Brazil at Ehipto

2023-09-12 15:28:45  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Pangulong Miguel Diaz-Canel Bermudez ng Cuba, tagapangulong bansa ng Group of 77 (G77) sa taong 2023, dadalo si Li Xi, Espesyal na Kinatawan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Kalihim ng CPC Central Commission for Discipline Inspection, sa Summit ng G77 at Tsina na gaganapin sa Havana mula Setyembre 14 hanggang 16.

 

Samantala, sa paanyaya ng Partido Komunista ng Cuba, pamahalaan at Workers' Party ng Brazil, at ni Abdel-Wahab Abdel-Razeq, Tagapangulo ng Nation's Future Party at Ispiker ng Senate ng Ehipto, isasagawa rin ni Li ang pormal na dalaw-pang-kaibigan sa nasabing tatlong bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Frank