Sa kanyang talumpati Setyembre 12, 2023 sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) para sa pagsusuri ng isyu ng pagkakaloob ng sandata sa Ukraine, tinukoy ni Geng Shuang, Pirmihang Pangalawang Kinatawan ng Tsina sa UN, na ang diyalogo at talastasan ay siyang pundamental na paraan para sa pagpapanumbalik ng kapayapaan sa Ukraine.
Si Geng Shuang, Pirmihang Pangalawang Kinatawan ng Tsina sa UN (file photo)
Ani Geng, sa kasalukuyan, inaasahan ng komunidad ng daigdig ang pagtigil ng putukan sa lalo madaling panahon. Inilahad ng parami nang paraming bansa ang inisyatibang mapayapa.
Pero, nananatili ang pagpasok sa battle field ng maraming sandata na nagdudulot ng mas malaking kasuwalti ng mga sibilyan.
Umaasa ang Tsina na magtitimpi ang kinauukulang panig, aktibong tutugon ng panawagan ng komunidad ng daigdig, at maghahanap ng komong palagay, para maiwasan ang paglala ng kalagayan, ani Geng.
Umaasa ang Tsina na maiiwasan ng UNSC ang pagpapalawak ng pagkakaiba, pasusulungin ang pagsasakatuparan ng iba’t ibang mapayapang inisiyatiba, pasusulungin ang pag-unlad ng kalagayan tungo sa kapayapaan at katatagan , saad ni Geng.
Salin:Sarah
Pulido:Lito