Kooperasyon sa pagpapatupad ng batas, palalakasin ng Tsina’t Biyetnam

2023-09-14 15:17:53  CMG
Share with:

Idinaos, Setyembre 13, 2023, sa Beijing, ang Ika-8 Pulong Ministeryal ng Pampublikong Seguridad ng Tsina at Biyetnam sa Kooperasyon Laban sa Krimen, na magkasamang pinanguluhan nina Wang Xiaohong, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, at To Lam, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Biyetnam.

 

Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Wang na mula noong ika-7 pulong, mabunga ang kooperasyon ng mga ministri ng pampublikong seguridad ng dalawang bansa sa pangangaglaga sa pulitikal na seguridad, pagsubaybay sa mga takas at pagbawi ng mga ari-arian, paglaban sa human trafficking at iba pang larangan.

 

Nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Biyetnam, para palalimin ang kooperasyon sa pulitikal na seguridad at cybersecurity, pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang antas, palakasin ang aktuwal na kooperasyon sa paglaban sa krimen, pabutihin ang koordinasyon sa multilateral na framework, pataasin ang lebel ng konstruksyon ng kakayahan sa pagpapatupad sa batas, at itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Biyetnam na mayroong estratehikong katuturan, upang magbigay ng mas malaki at bagong ambag sa kaligtasan at katatagan ng dalawang bansa’t rehiyon, aniya pa.

 

Ipinahayag naman ni To Lam na nakahandang palakasin ng Biyetnam ang mataas na antas na pakikipagpalitan sa Tsina sa larangan ng pagpapatupad sa batas, at palalimin ang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas sa iba’t-ibang larangan, para likhain ang ligtas at matatag na kapaligirang panlipunan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio