Tsina at Kambodya, pasusulungin ang mas malaking progreso sa relasyon at kooperasyon

2023-09-16 18:06:39  CMG
Share with:

 

Nag-usap kahapon, Setyembre 15, 2023, sa Beijing, sina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministro Hun Manet ng Kambodya.

 

Ipinahayag ni Li ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Kambodya, na palakasin ang pagpapalitan sa mataas na antas, palalimin ang estratehikong pag-uugnayan, at pasulungin ang pagtamo ng bagong progreso sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Kambodya.

 

Sinabi naman ni Hun Manet, na patuloy na pasusulungin ng bagong pamahalaan ng Kambodya ang pagkakaibigan sa Tsina, at magsisikap ito, kasama ng panig Tsino, para ibayo pang panatilihin at palakasin ang tradisyonal na relasyon ng dalawang bansa.


Editor: Liu Kai