Bagong remote sensing satellite, inilunsad ng Tsina

2023-09-27 16:12:23  CMG
Share with:


Jiuquan Satellite Launch Center sa hilagang kanluran ng Tsina – Sakay ng Long March-4C carrier rocket, inilunsad Miyerkules, Setyembre 27, 2023 ng Tsina ang remote sensing satellite na Yaogan-33 04.

 

Pumasok na ito sa itinakdang orbita.

 

Gagamitin ito para sa siyentipikong pagsubok, pagsasarbey sa yamang lupa, pagtaya sa output ng bukirin, pagpigil at pagliligtas sa likas na kapahamakan at iba pa.

 

Ito ang ika-489 na paglilipad ng Long March carrier rocket series.

 

Salin: Vera

 

Puldio: Rhio