Pagmamahal ni Xi Jinping sa kanyang pamilya, lupang tinubuan at nasyon

2023-09-29 16:37:43  CMG
Share with:

Ngayong araw, Ika-15 ng Agosto sa tradisyonal na kalentaryong Tsino, ay Mid-Autumn Festival, isa sa mga mahahalagang tradisyonal na kapistahan ng mga mamamayang Tsino.

 

Nitong nakalipas na libu-libong taon, ang Mid-Autumn Festival ay hindi lamang sumisimbolo sa magandang pananabik ng mga Tsino sa pagtitipon ng buong pamilya at maligayang pamumuhay, kundi nagsasabalikat din ng malalimang pagmamahal nila sa pamilya at lupang tinubuan.


Madalas na binanggit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang lalawigang Shaanxi, lupunang tinubuan niya, at maraming taon nang namuhay at nagtrabaho siya doon.

 


Noong katapusan ng dekada 60 ng nagdaang siglo, si Xi ay isang magsasaka sa isang maliit na nasyon ng Liangjiahe sa Yan’an ng Shaanxi, at nagpalipas ng 7 taon doon.

 


Sa kanyang pagbisita sa isang pamilyang magsasaka sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Costa Rica noong 2013, ibinahagi ni Xi ang kanyang karanasan bilang isang magsasaka sa Liangjiahe.

 

Ang Zhengding couty sa lalawigang Hebei ay isa pang lupang tinubuan na madalas na namimiss ni Xi.

 

Sa tagsibol ng 1982, kusang-loob na itinakwil ni Xi ang magandang kondisyon ng trabaho sa Beijing, at nagsadya sa Zhengding county kung saan medyo mahirap ang kondisyon sa panahong iyan.

 


Mahigit 1000 araw pagkatapos nito, maraming mapanlikhang gawain ang isinulong niya sa Zhengding, at nahalal siya bilang county Party secretary.

 

Sinabi niya sa isang artikulo na ang Zhengding ay ika-2 lupang tinubuan ko, at minamahal ko ang aking lupang tinubuan.

 


Bagong manungkulan siya bilang pangulo ng bansa, sunud-sunod na nagtrabaho si Xi sa lalawigang Fujian, lalawigang Zhejiang, munisipalidad ng Shanghai at Beijing.

 

Saan man magpunta, mayroon siyang malalimang pagmamahal sa mga mamamayan sa lokalidad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Lito