Sa Ika-74 na International Astronautical Congress na idinaraos sa Baku, Azerbaijan, ipinahayag kahapon, Oktubre 2, 2023, ng China National Space Administration (CNSA), na may mga pagkakataon para sa pandaigdigang pagtutulungan sa Chang'e-8 lunar exploration mission, na nakatakdang isagawa sa 2028.
Ayon sa CNSA, tinatanggap ng Tsina ang paglahok at pagsasagawa ng mga bansa at pandaigdigang organisasyon ng kooperasyon sa mga gawain, sistema, at pasilidad ng Chang'e-8 mission, para magkakasamang matamo ang mas makabuluhang orihinal na mga natuklasang siyentipiko.
Isinalaysay din ng CNSA, na bukas ang lander ng Chang'e-8 mission sa 200 kilogram na payload capacity mula sa ibang mga bansa, at ang bawat payload ay hindi dapat lumampas sa 100 kilogram. Kukumpirmahin ang mga proyekto ng kooperasyon sa Setyembre ng 2024, dagdag ng CNSA.
Editor: Liu Kai