Isinagawa Sabadao, Hulyo 22, 2023 ng Tsina ang isang bagong pagsubok sa pangunahing makina ng rocket para sa manned lunar mission, bagay na nakapaglatag ng daan para sa kauna-unahang pagyapak sa buwan ng bansa.
Ayon sa China Aerospace Science and Technology Corporation (CASC), ang ignition test ay nagkaloob ng masusing impormasyon para sa pag-unlad ng rocket sa hinaharap.
Ang makina sa pagsubok ay binago batay sa high-thrust liquid oxygen-kerosene engine na ginamit sa Long March-5, at umabot sa 130 tonelada ang thrust nito.
Gagamitin ang makinang ito para sa unang yugto ng Long March-10, at magsisilbing booster din sa misyon ng pagyapak sa buwan ng Tsina.
Anang CASC, sa proseso ng pagdedebelop ng makina, ginamit ang mga bagong materyales, teknolohiya at paraan ng pagyari, at nakakuha ng ilang technical breakthrough, bagay na nakapaglatag ng matibay na pundasyon sa susunod na yugto ng pag-unlad.
Salin: Vera
Pulido: Ramil