Pagkakaisa, pagtitiwalaan at kooperasyon ng komunidad ng daigdig, ipinanawagan ng kinatawang Tsino sa UN

2023-10-05 16:31:28  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Oktubre 4, 2023, sa pulong ng United Nations (UN) hinggil sa pagpapatupad ng “Our Common Agenda, ” ipinahayag ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang ulat ng “Our Common Agenda.”

 


Para sa Tsina, ito ay mayroong mahalagang katuturan sa pagpapalakas ng papel ng UN at magkakasamang pagharap ng mga hamong pandaigdig, diin niya.

 

Saad pa ni Zhang, ang pagkakaisa at tiwala sa isa’t-isa ay mga pundasyon at paunang kondisyon upang maisagawa ng UN ang mahalagang papel nito.

 

Nararapat aniyang pangalagaan ang prinsipyo ng Karta ng UN, isakatuparan ang totoong multilateralismo, at isulong ang kooperasyon para harapin ang mga hamong pandaigdig.

 

Ang “Our Common Agenda” ay inilahad noong 2021 ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN.

 

Laman nito ang iba’t-ibang hamon at kahirapang kinakaharap ng kasalukuyang daigdig, at mga mungkahi at kalutasan para sa mga ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio