Sa kanyang pakikipagtagpo Martes, Setyembre 19, 2023 sa New York kay John Kerry, Espesyal na Sugo ng Pangulong Amerikano sa Klima sa sidelines ng Ika-78 Sesyon ng Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN), ipinagdiinan ni Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina, na mahalaga ang tuluy-tuloy na pag-uusap sa pagitan ng Tsina at Amerika tungkol sa isyu ng klima.
Ito ay makahulugan para sa dalawang bansa, at buong daigdig, dagdag niya.
Nakahanda aniyang palakasin ng panig Tsino ang pakikipag-ugnayan sa Amerika, palalimin ang kooperasyon, magkasamang pasulungin ang pangangasiwa sa klima, at gawin ang mas malaking ambag sa pag-unlad ng sangkatauhan.
Saad ni Han, sa mula’t mula pa’y “matatag na tagapagsulong ng gawa” ang Tsina sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Tuluy-tuloy rin aniyang pinapasulong ng pamahalaang Tsino ang transisyon tungo sa berde’t mababang karbong enerhiya, at maaga nitong natupad ang target sa 2020 carbon emission.
Pasusulungin ng Tsina ang pangako nito sa pagpapatupad ng target sa “pagpapababa ng emisyon ng karbon,” at komprehensibong ipapatupad ang Paris Agreement, dagdag niya.
Hinangaan naman ni Kerry ang natamong bunga ng Tsina sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Nakahanda aniya ang panig Amerika na isagawa ang diyalogo at kooperasyon sa Tsina sa usaping ito.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Pangkalahatang debatehan ng Ika-78 Pangkalahatang Asemblea ng UN, binuksan
Paninirang-puri ng Amerika sa Tsina sa isyu ng droga, matinding inalmahan
Pangalawang pangulong Tsino, pangkalahatang kalihim ng UN at kalihim ng estado ng Amerika, nagtagpo
Pangalawang Pangulong Tsino, dadalo sa pangkalahatang debatehan ng Ika-78 UNGA