Kontra-subsidiyang siyasat ng Europa sa mga elektrikong sasakyan, di ikinatutuwa ng Tsina

2023-10-05 16:11:18  CMG
Share with:

Kinondena, Oktubre 4, 2023 ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MOC) ang ipinalabas na kontra-subsidiyang imbestigasyon ng Komisyong Europeo laban sa mga elektrikong pampaseherong sasakyan ng Tsina.

 


Aniya, walang ebidensya ang Komisyong Europeo upang maglunsad ng nasabing imbestigasyon, at ang naturang aksyon ay hindi angkop sa tuntunin ng World Trade Organization (WTO).

 

Hinihimok ng Tsina ang Komisyong Europeo na maingat na gamitin ang mga hakbang na pang-kalakalan upang mapanatili ang katatagan ng kadena ng pandaigdigang suplay at industriya, at pagsusulong ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at EU, anang tagapagsalita.

 

Dagdag pa niya, ine-enkorahe ng Tsina ang Europa na palalimin ang kooperasyon sa larangan ng bagong enerhiya, na kumakatawan sa mga elektrikong sasakyan, para malikha ang walang kinikilingan, walang-diskriminasyon at prediktableng kalagayan ng merkado tungo sa komong pag-unlad ng industriya ng elektrikong sasakayan ng dalawang panig.

 

Mahigpit na susubaybayan ng Tsina ang susunod na imbestigasyon ng Europa para matatag na mapangalagaan ang lehitimong karapatan at interes ng mga kompayang Tsino, sinabi ng tagapagsalita.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio