Kinabukasan ng BRI, malawak — Vladimir Putin

2023-10-06 16:58:25  CMG
Share with:

Sa kanyang pagdalo, Oktubre 5, 2023 sa sesyong plenaryo ng Ika-20 Taunang Pulong ng Valdai Discussion Club sa Sochi, lunsod sa dakong timog ng Rusya, sinabi ni Pangulong Vladimir Putin ng bansa, na lumalaki ang kabuhayang Tsino, at ang Tsina ay isa sa mga mahalagang makina ng kabuhayang pandaigdig.

 

Aniya, ang “Belt and Road Initiative (BRI)” ay may malawak na kinabukasan ng pag-unlad, at pinapasulong ngayon ng Rusya at Tsina ang pagdurugtong ng Eurasian Economic Union at BRI.

 

Ani Putin, ang kooperasyon ng Rusya at Tsina ay isa sa mga napakahalagang elemento ng katatagan ng kalagayang pandaigdig.

 

Hindi itatag ng Rusya at Tsina ang anumang grupong magwawatak sa kabuhayang pandaigdig, diin niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio