Higit 610 milyong yuan Renminbi, kita sa tiket ng Ika-19 na Hangzhou Asian Games

2023-10-08 15:44:12  CMG
Share with:

Hanggang Sabado ng umaga, Oktubre 7, 2023, mahigit 3 milyong tiket na ang naibenta para sa Ika-19 na Hangzhou Asian Games, at higit 610 milyon yuan RMB ang kabuuang kita mula rito.

 

Samantala, 290,000 manonood ang pumasok sa pinagdarausan ng mga paligsahan noong Oktubre 1 – pinakamataas na bilang ng mga manonood sa isang araw.

 


Ayon kay Mao Genhong, Punong Tagapagsalita ng Ika-19 na Hangzhou Asian Games, priyoridad ng lupong tagapag-organisa ang seguridad sa pagkain sa panahon ng palaro, partikular, ang pagpigil at pagkontrol sa analeptic na nagmumula sa mga pagkain.

 

Para rito, sinuri aniya ang 60 uri ng analeptic sa 5 uri ng pagkain na may malaking panganib sa mga atleta.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio