Seremonya ng pagtatapos ng Ika-19 na Hangzhou Asian Games, dadaluhan ng premyer Tsino

2023-10-06 16:48:53  CMG
Share with:

Inihayag, Oktubre 6, 2023, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na dadalo si Premyer Li Qiang ng Tsina sa seremonya ng pagtatapos ng Ika-19 na Asian Games sa Hangzhou, lunsod sa silangan ng bansa.

 

Aniya pa, ihahanda rin ang isang bangkete at mga bilateral na aktibidad para sa mga lider ng iba’t-ibang bansa na lalahok sa nasabing seremonya.

 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio