15 bansa, nahalal bilang miyembro ng UNHRC

2023-10-11 16:15:16  CMG
Share with:

Inihalal Martes, Oktubre 10, 2023, ng United Nations General Assembly ang 15 bansa bilang bagong miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), na kinabibilangan ng Tsina.

 


Ito ang ika-6 na beses na panunungkulan ng Tsina bilang miyembro ng UNHRC, na ginagawa itong isa sa mga bansang may pinakamaraming beses na nahalal na puwesto.

 

Sisimulan unang araw ng Enero, 2024, ang termino ng bagong halal na miyembro at tatagal ito nang 3 taon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil