Naglabas, Miyerkules, Oktubre 11, 2023, ng pahayag ang Tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas hinggil sa kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa pagpapatupad ng batas at ibang kinauukulang isyu.
Sinabi sa pahayag na nitong ilang taong nakalipas, napapanatili ng mga ahensya ng nagpapatupad ng batas ng Tsina at Pilipinas ang mainam na koordinasyon, magkasanib na isinagawa ang mga aksyong gaya ng paglaban sa cross-border na pagsusugal, telekomunikasyon at online na pandaraya at iba pa, at natamo ang maraming bunga.
Napapanatili ng Embahadang Tsino sa Pilipinas ang mahigpit na komunikasyon at koordinasyon at napapangalagaan ang lehitimong karapatan ng mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat alinsunod sa batas. Kasiya-siya ang magkabilang panig sa bunga ng kooperasyon sa pagpapatupad ng batas.
Sinabi din sa pahayag na nakahanda ang Tsina na buong lakas na magsikap, kasama ng Pilipinas, para magkasamang harapin ang kinauukulang sitwasyon.
Samantala, hinimok ng Tsina ang Pilipinas na patuloy na isagawa ang matibay na hakbangin upang masugpo ang krimeng may kinalaman sa POGO at malutas ang problemang panlipunan sa malawak na paraan.
Patuloy na pinapalakas ng Embahadang Tsino sa Pilipinas ang komunikasyon at pakikipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas at mga ahensyang nagpapatupad ng batas hinggil dito upang magkasamang harapin ang iba pang mga kaugnay na isyu.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil