Tsina, labis na nababahala sa paglala ng alitan ng Israel at Palestina

2023-10-13 16:15:21  CMG
Share with:

Ipinahayag, kahapon, Oktubre 12, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na labis na nalungkot ang Tsina sa paglala ng alitan ng Palestina at Israel na nagdulot ng maraming inosenteng kasuwalti at nababahala tungkol sa malubhang epekto sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

 


Aniya, napansin ng Tsina na idinaos ng League of Arab States (LAS) ang pangkagipitang pulong ng mga ministrong panlabas, at pinagtibay ang resolusyon na suportahan ang LAS na gaganapin ang mahalagang papel sa isyu ng Palestina.

 

Nakahanda ang Tsina na makipagkoordina sa iba’t ibang panig ng LAS para aktibong pasulungin ang mapayapang talastasan at pagpapanumbalik ng mapayapang proseso ng Gitnang Silangan sa tumpak na paraan.

 

Samantala, tinukoy din ni Wang na ang pangunahing priyoridad sa kasalukuyan ay agarang tigil-putukan at pagprotekta sa mga sibiliyan. Dapat aktuwal na ganapin ng komunidad ng daigdig ang papel para magkakasamang pasulungin ang paghupa ng sitwasyon at agarang ipagkaloob ang makataong tulong sa mga mamamayan ng Palestina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil