Paninindigan ng Tsina sa sagupaan ng Palestina at Israel, inilahad

2023-10-14 17:32:23  CMG
Share with:


Sa magkasanib na preskon pagkaraan ng Ika-12 Mataas na Diyalogong Estratehiko ng Tsina at European Union na idinaos kahapon, Oktubre 13, 2023, sa Beijing, inilahad ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang paninindigan ng kanyang bansa sa kasalukuyang kalagayan sa Palestina at Israel.

 

Aniya, ipinalalagay ng panig Tsino na apat ang pinakamahalagang bagay sa kasalukuyan. Una, isagawa sa lalong medaling panahon ang tigil-putukan; ikalawa, iwasan ang malubhang makataong krisis; ikatlo, pasulungin ng iba’t ibang may kinalamang bansa ang paghupa ng tensyon; at ikaapat, ganapin ng United Nations ang kinakailangang papel para sa paglutas ng isyu ng Palestina.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos