CMG, ipinagdiwang ang unang anibersaryo ng programang Leaders Talk

2023-10-14 16:51:46  CMG
Share with:

 

Idinaos kahapon, Oktubre 13, 2023, sa Beijing, ng China Media Group (CMG) ang talakayan bilang pagdiriwang sa unang anibersaryo ng pagsasahimpapawid ng lingguhang video program ng pakikipanayam sa mga lider at nakatataas na opisyal ng ibang bansa at mga puno ng mga organisasyong pandaigdig na tinatawag na Leaders Talk.

 


Nitong isang taong nakalipas, lumabas sa programang ito ang 41 estadista at 6 na puno ng mga organisasyong pandaigdig, na kinabibilangan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas, para ibahagi ang mga sariwa at matalinong pananaw sa mga mahalagang isyung pandaigdig.

 

Orihinal na ginawa ang programa sa wikang Tsino at Ingles at isinalin din sa ibang mga wika.

 

Inilabas ang programa sa mga TV station at new media platform sa buong daigdig, at lumampas na sa 10 bilyon ang kabuuang bilang ng panonood dito.

 

Sa talakayan kahapon, iniharap ng mga eksperto mula sa mga sirkulo ng media, international communication, diplomasya, at iba pa, ang mga palagay at mungkahi tungkol sa ibayo pang pagpapabuti ng naturang programa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos