Xi Jinping sa lalawigang Jiangxi: ganapin ang mas malaking papel para sa modernisasyong Tsino

2023-10-14 16:53:12  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri mula Oktubre 10 hanggang Oktubre 13, 2023, sa lalawigang Jiangxi sa silangan ng Tsina, hinimok ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang lalawigang ito na ganapin ang mas malaking papel para sa pagpapasulong ng modernisasyong Tsino.

 

Sa pananatili sa Jiangxi, bumisita si Xi sa mga pabrika, historikal at kultural na lugar, kanayunan, at bahagi ng Yangtze River sa loob ng lalawigang ito.

 

Sinabi ni Xi, na dapat kompleto, tumpak, at komprehensibong ipatupad ng Jiangxi ang bagong pilosopiya sa pag-unlad; sundin ang mga bagong kahilingan sa de-kalidad, berde, at low-carbon na pag-unlad; buuin ang modernisadong sistema ng industriya; pabilisin ang modernisasyon sa kanayunan at agrikultura; at palakasin ang tulong sa mga residente sa liblib na kabundukan sa lalawigang ito.

 

Nanawagan din siya sa Jiangxi na samantalahin ang pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Yangtze River Economic Belt, para maging rehiyonal na sentro ng lohistika at komersyo.


Editor: Liu Kai

Pulido: Ramil Santos