Hangzhou Asian Para Games Village, bukas na

2023-10-16 18:01:24  CMG
Share with:

Binuksan, Oktubre 16, 2023, sa lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang, gawing silangan ng Tsina, ang Hangzhou Asian Para Games Village.

 


Makaraan ang isang linggong transpormasyon, ang dating Asian Games Village ay siya na ngayong Asian Para Games Village.

 

May lawak na 325 libong metro kuwadrado, kaloob nito ng 3,446 na silid para sa iba’t-ibang delegasyon sa panahon ng Asian Para Games.

 

Handa na rin ang lahat ng pasilidad para sa mga atletang may-kapansanan.

 

Idaraos ang Hangzhou Asian Para Games mula Oktubre 22 hanggang 28, at 439 atletang Tsino lalahok sa 397 event sa 22 isport.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio