Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina Miyerkules, Oktubre 18, 2023, umabot sa mahigit 91.3 trilyong yuan RMB ang gross domestic product (GDP) ng bansa noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, at ito ay lumaki ng 5.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Samantala, mahigit 34.2 trilyong yuan ang kabuuang halaga ng tingian ng consumer products noong unang tatlong kuwarter, na lumaki ng 6.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Tumaas ng 3.1% ang fixed-asset investment noong unang 9 na buwan, at lumampas ito sa 37.5 trilyong yuan.
Bukod dito, mahigit 30.8 trilyong yuan ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga paninda mula noong Enero hanggang Setyembre, at ito ay bumaba ng 0.2% kumpara sa gayun ding panahon ng 2022.
Umabot sa 5.3% ang karaniwang surveyed urban unemployment rate ng bansa noong unang siyam na buwan.
Sa pangkalahatang pananaw, tuluy-tuloy na napanumbalik at bumubuti ang pambansang kabuhayan noong unang tatlong kuwarter, at matibay na sumulong ang de-kalidad na pag-unlad, bagay na nakapaglatag ng matibay na pundasyon para sa pagsasakatuparan ng mga target na pangkaunlaran sa buong taon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil