5.1% na paglaki ng kabuhayan ng Tsina sa 2023, tinataya ng WB

2023-10-03 23:03:31  CMG
Share with:


Sa bagong edisyon ng East Asia and Pacific Economic Update na inilabas Oktubre 1, 2023, ginawa ng World Bank (WB) ang pagtaya sa 5.1% na paglaki ng kabuhayan ng Tsina sa taong ito.

 

Sa preskon ng pagpapalabas ng dokumentong ito, sinabi ni Aaditya Mattoo, Punong Ekonomista ng WB sa East Asia at Pacific, na nakikita niya ang malaking nakatagong lakas ng kabuhayang Tsino, lalung-lalo na mula sa inobatibong manupaktura kung saan ginagawa ng Tsina ang mga breakthrough, at human capacity din na hinuhubog ng bansa.

 

Hinahangaan din ni Mattoo ang plano ng Tsina na pasulungin ang mas de-kalidad na paglago ng kabuhayan, sa halip na pabilisin lamang ang paglago sa maikling panahon.


Editor: Liu Kai