Tuwing Agosto hanggang Oktubre ay panahon ng durian sa Davao.
Dahil sa pagluluwas ng mga durian sa merkadong Tsino, isang magandang pagkakataon ang nasisilayan para sa industriya ng durian sa lugar.
Sa panayam kamakailan sa China Media Group Serbisyo Filipino (CMG-SF), sinabi ni Elyven Idulsa, Superbisor ng Belviz Farm sa Davao, na malaki ang pagbabagong nangyari sa kanyang buhay dahil sa pagluluwas ng mga sariwang durian sa Tsina.
Lumaki talaga ang kita ng durian farm at tumaas din ang sahod ng mga magsasaka, aniya.
Dagdag ni Idulsa, masaya ang mga trabahante at kanilang mga pamilya, dahil nabigyan sila ng matatag na kabuhayan.
Pinagsisikapan din aniya ng Belviz Farm na i-akma ang mga bagong teknolohiya sa proseso ng kanilang negosyo para mapataas ang produksyon ng durian.
Video: Kulas
Pulido: Rhio/ Jade