Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa pangulo ng NDB

2023-10-20 16:19:05  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Oktubre 19, 2023, kay Dilma Rousseff, Pangulo ng New Development Bank (NDB), tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa harap ng iba’t ibang hamon at krisis sa kasalukuyang mundo, dapat ganapin ng NDB, bilang isang mahalagang umuusbong na puwersa sa pandaigdigang sistema ng pananalapi, ang papel nito para pasulungin ang pandaigdigang sistema ng pinanalapi tungo sa mas patas at makatuwirang direksyon, at epektibong palakasin ang representasyon at boses ng bagong pamilihan at mga umuunlad na bansa. 

Ani Xi, malugod na tinatanggap ng Tsina ang NDB na makisanggot sa Belt and Road Initiative (BRI) at Global Development Initiative, para isakatuparan ang United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development, at tulungan ang mas maraming umuunlad na bansa para maisakatuparan ang modernisasyon. 


Ipinahayag naman ni Rousseff na ang pagpapalakas ng konstruksyon ng imprastruktura at konektibidad ay napakahalaga para sa mga umuunlad na bansa upang maisakatuparan ang komong pag-unlad. 


Aniya, ang BRI at Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) ay gaganap ng mas mahalagang papel para sa sustenableng pag-unlad ng buong mundo at berdeng pag-unlad. 


Nakahanda ang NDB na aktibong lumahok sa kooperasyon ng magkakasamang pagbuo ng BRI at magbigay ng ambag para sa pagpapasulong ng multipolarity ng mundo at reporma ng internasyonal na sistema ng pinanalapi, dagdag niya. 


Salin:Sarah

Pulido:Ramil