Blueprint ni Xi sa de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road, magpapasulong sa modernisasyong pandaigdig

2023-10-19 16:03:56  CMG
Share with:

Binuksan Miyerkules, Oktubre 18, 2023 sa Beijing ang Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).

 

Sa kanyang keynote speech sa seremonya ng pagbubukas, isinalaysay ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mahahalagang bunga ng kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI) nitong nakalipas na isang dekada, at inilarawan ang blueprint ng de-kalidad na kooperasyon ng BRI.

 


Isinapubliko rin niya ang mga konkretong hakbang ng panig Tsino na kinabibilangan ng pagtatatag ng Belt and Road connectivity network, pagsuporta sa pagtatatag ng bukas na ekonomiyang pandaigdig, pagsasagawa ng aktuwal na kooperasyon, pagpapasulong ng berdeng pag-unlad, pagpapasulong ng inobasyon ng teknolohiya at agham, pagsuporta sa pagpapalitang tao-sa-tao, pagpapasulong ng integrity-based Belt and Road cooperation, at pagpapabuti ng mekanismo ng kooperasyong pandaigdig.

 

Proyekto ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway sa Indonesya


Proyekto ng kooperasyong medikal at pangkalusugan sa Senegal


Nitong nagdaang 10 taon, nilagdaan ng Tsina, kasama ng mahigit 150 bansa at mahigit 30 organisasyong pandaigdig, ang mga dokumento ng kooperasyon.

 

Pagtatanghal ng katangi-tanging kultura ng mga bansang kasali sa BRI sa 2023 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS)


Proyekto ng pagsuplay ng tubig na itinatag ng panig Tsino sa Tanzania


Pagsasanay ng mga talento ng hay-tek sa mahigit 20 bansang sumali sa BRI


Ang mga malalaki at maliliit na proyektong may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan sa ilalim ng BRI ay malawakang tumutulong sa mga kasaping bansa upang bawasan ang karalitaan, at pabutihin ang benepisyo ng mga mamamayan.

 

Proyekto ng Upper Marsyangdi A Hydropower Station sa Nepal


Mga dalubhasang Aprikano habang dumadalo sa pagsasanay ng pagpigil sa desertipikasyon sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang, Tsina.


Nilikha ng mahigit 3,000 proyektong pangkooperasyon sa iba’t-ibang sulok ng mundo ang 420,000 pagkakataon ng hanap-buhay sa mga kasaling bansa, at nakahulagpos sa karalitaan ang halos 40 milyong mamamayan.


Salin: Vera


Pulido: Rhio