Pangulo ng Tsino at Pangulo ng Biyetnam, nagtagpo

2023-10-20 16:43:06  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo ngayon araw Oktubre 20, 2023, kay Vo Van Thuong, Pangulo ng Biyetnam na dumalo sa Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), binigyan diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na iginigiit ng kapuwa Tsina at Biyetnam ang ideya ng pag-unlad na nakasentro sa mga tao, dapat mapanatili ng dalawang panig ang estratehikong komunikasyon, matuto sa isa’t isa, at magsulong ng mga patakaran para palakasin ang bansang angkop sa kalagayan ng kani-kanilang bansa.

 


Binigyan-diin ni Xi na dapat pasulungin ng dalawang panig ang kooperasyon sa estratehikong larangang tulad ng konektibidad, at palakasin ang kooperasyon sa mga bagong larangang tulad ng e-commerce.

 

Aniya, nakahanda ang Tsina na patuloy na palawakin ang pag-aangkat ng dekalidad na produkto ng Biyetnam. Dapat patuloy na pabutihin ang magkakaibigang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, partikular na ang mga batang henerasyon.

 

Samantala, ipinahayag ni Vo Van Thuong na ang “Belt and Road Initiative” ay naging isang bukas, dekalidad na mahalagang plataporma ng pandaigdigang kooperasyon, na epektibong nagpapasulong ng pag-unlad ng iba’t ibang bansa at pagkakaibigan ng mga tao.

 

Nakahanda ang Biyetnam na pahigpitin ang estratehikong pakikipagkoordinasyon sa Tsina sa mataas na antas, walang humpay na pasaganain ang nilalaman ng komprehensibong estratehikong partnership ng Biyetnam at Tsina sa ilalim ng bagong sitwasyon, saad niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil