Memorandum of Cooperation, nilagdaan ng CMG at FFT

2023-10-24 16:32:10  CMG
Share with:

Nilagdaan Oktubre 23, 2023, sa Paris, Pransya, ng China Media Group (CMG) at Federation Francaise de Tennis (FFT) ang Memorandum of Cooperation (MOC). 


Narating ng dalawang panig ang consensus sa pagtataguyod ng mga kaganapang may kaugnayan sa tennis, pagpapalalim ng kooperasyon sa pagsasahimpapawid ng mga paligsahan, at paggagalugad sa pag-unlad ng industriya. 


Sa ngalan ng dalawang panig, pumirma sa dokumento sina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at Gilles Moretton, Pangulo ng FFT. 


Sinabi ni Shen na narating ng CMG at FFT ang pagkakaisa hinggil sa pagpapalawig ng copyright ng mga kaganapan, para patuloy na isahimpapawid ang mga pinakamahusay na paligsahan ng tennis sa mga tagapanood na Tsino. Aktibo rin aniyang pasusulungin ng dalawang panig ang paglaganap ng tennis sa pamamagitan ng magkasamang pagdaraos ng mga kaganapang pangkabataan.

Umaasa rin si Shen na ang pagpapalaganap ng tennis sa Tsina ay magiging isang tulay ng ugnayang Tsina-Pransya, magpapalalim ng pagpapalitan ng dalawang panig sa palakasan at kultura, at magpapasulong ng palitang tao-sa-tao. 


Ipinahayag naman ni Moretton, na umaasa siyang lalo pang palalalimin ng FFT at CMG ang mga pagpapalitan at pagtutulungan para pasulungin ang usaping palakasan ng Pransya at Tsina. 


Salin:Sarah

Pulido:Ramil