Memorandum of Cooperation, nilagdaan ng CMG at LFP

2023-10-24 16:35:02  CMG
Share with:

Nilagdaan kahapon Oktubre 23, 2023, sa Paris, Pransya, ng China Media Group (CMG) at Ligue de Football Professionnel (LFP), ang memorandum of cooperation (MOC), hinggil sa magkakasamang pagho-host ng mga kaganapan, pagtataguyod ng pagpapalitan ng mga industriya at pagpapaunlad ng football sa kabataan.

 


Sa ngalan ng dalawang panig, pumirma sa dokumento sina Shen Haixiong, Presidente ng CMG at Vincent Labrune, Pangulo ng LFP.

 

Sinabi ni Shen na sa darating na ika-60 anibersaryo ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya at taon ng Paris 2024 Summer Olympics, inaasahan niyang gagamitin ng dalawang panig ang football bilang tulay at isasagawa ang mga aktuwal na kooperasyon, para pasulungin ang usapin ng football, palaganapin ang kultura ng football, at palalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Pransya.

 

Ipinahayag naman ni Labrune na lubos niyang inaasahan ang bunga ng kooperasyon ng LFP at CMG.

 

Umaasa rin aniya siyang sasamantalahin ang ika-60 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Pransya at Tsina, para palakasin ang kooperasyon ng LFP at CMG, at idaos ng Pransya ang mga kaganapang may kaugnayan sa football sa Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil