Xi Jinping: nakahanda ang Tsina na pasulungin ang win-win na kooperasyon sa Amerika

2023-10-25 15:51:50  CMG
Share with:

Sa kanyang liham na pambati sa taunang Gala Dinner ng National Committee on U.S.-China Relations Miyerkules, Oktubre 25, 2023, inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahandaan ng bansa na pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa Amerika, batay sa tatlong simulain ng paggagalangan, mapayapang pakikipamuhayan, at win-win na kooperasyon.

 

Nakahanda rin aniya ang Tsina na maayos na kontrulin ang mga alitan, magkakapit-bisig na harapin ang mga hamong pandaigdig, bigyang-ambag ang tagumpay ng isa’t isa, pasulungin ang komong kasaganaan, at ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa, maging ng buong daigdig.

 

Hinangaan din ni Xi ang aktibong pagpupunyagi ng nasabing komite para sa pagpapasulong sa pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Amerika sa iba’t ibang larangan.

 

Umaasa aniya siyang patuloy na pahahalagahan at susuportahan ng komiteng ito at mga kaibigan ng iba’t ibang sirkulo ang relasyong Sino-Amerikano, at gagampanan ang konstruktibong papel para sa pagpapasulong sa malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon.

 

Binati naman ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang nasabing Gala Dinner.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil