Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Oktubre 13, 2023 sa Beijing sa mga kinatawang Amerikano na kalahok sa ika-5 pulong ng China-U.S. Eminent Persons Forum, ipinagdiinan ni Han Zheng, Pangalawang Pangulo ng Tsina, na napakahalaga ng pagpapalakas ng Tsina at Amerika ng pag-uugnayan at diyalogo sa iba’t ibang antas.
Aniya, makakabuti ito sa pagpapahigpit ng pag-uunawaan at pagtitiwalaan, pagtitipun-tipon ng mga komong palagay, maayos na paghawak ng mga alitan, at paglikha ng mainam na kondisyon para sa pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Umaasa aniya siyang matapat na magpapalitan ang mga kinatawang Tsino’t Amerikano sa nasabing porum, at aktibong maghaharap ng mga mungkahi sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Inihayag naman ng mga kinatawang Amerikano na importante ang relasyong Amerikano-Sino para sa dalawang bansa, maging ng buong mundo.
Inaasahan anilang sa pamamagitan ng porum at diyalogo, magkasamang tatalakayin ng kapuwa panig ang kooperasyon, mararating ang pragmatikong bunga, at gagawin ang ambag sa pagpapasulong sa pagbalik ng bilateral na relasyon sa malusog at matatag na landas.
Salin: Vera
Pulido: Ramil