Nagtagpo Oktubre 26, 2023, sa Washington D.C., sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Sa maikling preskon bago ang pagtatagpo, sinabi ni Wang, na ang Tsina at Amerika ay dalawang malalaking bansa na may mga pagkakaiba, pero mayroon ding mahalagang komong interes at mga hamong kailangang magkasamang harapin.
Aniya, hindi lang kailangan ng Tsina at Amerika ang diyalogo, dapat ipagpapatuloy ang diyalogo, kundi na rin ang malalim at komprehensibong diyalogo.
Dagdag pa ni Wang, sa pamamagitan ng diyalogo, dapat walang humpay na dagdagan ng dalawang bansa ang komong palagay, bawasan ang maling kalkulasyon, at ibalik ang malusog, matatag at sustenableng pag-unlad ng kanilang relasyon.
Ipinahayag din ni Wang na umiiral ang ilang ingay sa relasyong Sino-Amerikano, pero, ipinalalagay ng Tsina na ang pamantayan ng panghuhusga ay alinsunod sa regulasyon ng Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, pandaigdigang batas at pundamental na regulasyon ng relasyong pandaigdig, at pag-angkop sa tunguhin ng pag-unlad ng panahaon.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil