Ipininind Martes, Oktubre 31, 2023 sa Beijing ang Ika-10 Beijing Xiangshan Forum.
Sa ilalim ng temang "Komong Seguridad, Pangmatagalang Kapayapaan," isinagawa ng mahigit 1,800 kinatawan mula sa mahigit 100 bansa, rehiyon at organisasyong pandaigdig ang diyalogo at pagpapalitan.
Sa pandaigdigang kalagayan ng krisis ng Ukraine at bakbakan sa pagitan ng Palestina at Israel, ipinanawagan ng mga kasali sa pulong ang kapayapaan at seguridad, at ipinagdiinan ang “mas maraming diplomasya, mas maraming talastasan, at mas maraming pagpapalitan.”
Ang Global Security Initiative na isinumite ng Tsina ay nagsilbing mahalagang solusyon sa global security governance.
Bilang mahalagang plataporma ng pagpapatupad ng nasabing inisiyatiba, ang Beijing Xiangshan Forum ay nagkakaloob ng pagkakataon para sa paghahanap ng iba’t ibang panig ng mga solusyong panseguridad, at pagpapasulong sa kooperasyong panseguridad.
Sa landas tungo sa komong seguridad, napakahalaga ng paggigiit sa pagresolba sa mga alitan ng mga bansa sa pamamagitan ng diyalogo, pagsasanggunian at mapayapaang paraan.
Inanyayahang lumahok sa mga diyalogo at talakayan sa kasalukuyang porum ang mga kinatawan ng mga nagsasagupaang panig na gaya Israel, mga bansang Arabe, Rusya at Ukraine.
Tinukoy ng tagapag-analisa na kahit hindi madali ang paglutas sa mga masalimuot na isyung panseguridad sa isang pulong lang, kung nais ng iba’t ibang panig na magsanggunian at pahigpitin ang pagpapalitan at pag-uugnayan, magsimulang mag-usap at inaasahang makakahanp ng mga solusyon sa mga alitan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil