Inilabas ng Konseho ng Estado ng Tsina ang pangkalahatang plano para sa pagtatatag ng Xinjiang Pilot Free Trade Zone (FTZ) bilang mahalagang estratehikong aksyon para sa pagpapasulong ng reporma at pagbubukas sa labas sa bagong panahon.
Magsisikap ang bansa na gawing modelo ang FTZ para sa pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad ng rehiyong gitna at kanluran bilang isang pivotal hub para sa Xinjiang upang maisama sa “dual circulation” ng mga domestiko at internasyonal na pamilihan, ayon sa plano.
Magsisilbing pangunahing lugar ang FTZ sa pagtatayo ng Belt and Road Initiative (BRI), tutulungan nito ang pagtatatag ng “golden channel” sa pagitan ng Asya at Europa at isang tulay para sa pakanlurang pagbubukas sa labas ng Tsina, at aktibong mag-ambag sa komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Gitnang Asya.
Inilahad sa plano ang konkretong hakbangin sa 25 aspekto, tulad ng paglikha ng first-class business environment, pagpapasulong ng mga lebel ng pagpapadali ng kalakalan, pagpapalawak at pagpapalakas ng mga tradisyonal na industriyang may bentahe, at pagpapataas ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa mga kalapit na bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil