Pag-unlad at kultura ng Xinjiang, hinahangaan ng mga dayuhang mamamahayag

2023-10-03 23:02:21  CMG
Share with:

 

Mula Setyembre 21 hanggang 29, 2023, isinagawa ng 22 mamamahayag mula sa 17 bansang kinabibilangan ng Pilipinas, Malaysia, Kazakhstan, Iran, Alemanya, Belgium, Canada, at iba pa, ang siyam na araw na biyahe sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang Uygur ng Tsina.

 

Bumisita ang mga mamamahayag sa ilang lugar ng Xinjiang, na gaya ng punong lunsod nito na Urumqi, Kashgar Prefecture, at Ili Kazak Autonomous Prefecture, para makakuha ng mismong mga kaalaman tungkol sa naturang rehiyong awtonomo.

 

Pagkaraan ng biyahe, ipinahayag ng mga mamamahayag ang paghanga sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, makukulay na kultura, kooperasyon ng Belt and Road Initiative, at bunga ng paglaban sa terorismo at ekstrimismo sa Xinjiang.


Editor: Liu Kai