Artikulo ni Xi Jinping hinggil sa gawaing pag-audit, inilathala

2023-11-01 16:10:39  CMG
Share with:

Isang artikulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, hinggil sa gawaing pag-audit, ay inilathala ngayong araw, Nobyembre 1, 2023, sa ika-21 isyu ng Qiushi Journal, flagship magazine ng Komite Sentral ng CPC.

 


Ang artikulong ito ay isang talumpati na binigkas ni Xi sa unang pulong ng sentral na komisyon ng gawaing pag-audit sa ilalim ng ika-20 Komite Sentral ng CPC.

 

Binigyan-diin ng artikulo na ang gawaing pag-audit ay mahalagang bahagi ng mga sistema ng pangangasiwa ng partido at bansa, at isang mahalagang puwersa sa pagtataguyod ng modernisasyon ng sistema ng pamamahala at kakayahan ng pamamahala ng bansa.

 

Idiniin din ng artikulo na ang gawaing pag-audit sa taong ito ay dapat ipatupad nang mabuti. Kinakailangang tutukan ang matatag na paglaki, trabaho at mga presyo, pagpapaunlad ng real economy, pangangalaga kabuhayan ng mga mamamayan at ibang pangunahing gawain ng dekalidad na pag-unlad. 

 

Inuutusan din ang mga auditor na manahin ang mabuting tradisyon at pag-uugali sa trabaho ng organo ng pag-audit, pabutihin ang propesyonalismo at pahusayin ang kanilang kahusayan. 

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil