Paninindigan ng Tsina at Oman sa isyu ng Palestina at Israel, magkatulad

2023-11-02 16:06:27  CMG
Share with:

Sa pag-uusap sa telepono Nobyembre 1, 2023, nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at Sayyid Badr bin Hamad bin Hamood Al Busaidi ng Oman, sinabi ng opisyal-Tsino, na sa panunungkulan ngayong buwan ng Tsina bilang tagapangulong bansa ng United Nations Security Council (UNSC), palalakasin ang koordinasyon ng iba’t-ibang panig, lalo na, ng mga bansang Arabe, para mapanumbalik ang prosesong pangkapayapaan sa pagitan ng Palestina at Israel.

 


Aniya, ang ugat ng isyu ng Palestina ay pagbale-wala sa lehitimong karapatan ng mga mamamayang Palestino, at ang kalutasan dito ay “Two-state Solution.”

 

Sinabi ni Wang na pinagtibay kamakailan ng United Nations General Assembly (UNGA) ang resolusyong nananawagan para sa agarang tigil-putukan, at ipinakikita nito ang maugong na tinig ng komunidad ng dagidig.

 

Suportado aniya ng Tsina ang pagdaraos ng mas mabisang pandaigdigang pulong para mapasulong ang “Two-state Solution.”

 

Samantala, lubos na pinapurihan ni Sayyid Badr ang makatarungan at konstruktibong paninindigan ng Tsina sa nasabing isyu.

 

Aniya, kinakaharap ng Gaza ang malubhang krisis at kinakailangang umaksyon ang UNSC para magkaroon ng komong palagay, isakatuparan ang tigil-putikan, at iwasan ang mas malubhang krisis.

 

Inaasahan aniya ng Oman na gaganap ng mahalagang papel ang Tsina sa nasabing usapin bilang tagapangulong bansa ng UNSC sa buwang ito.

 

Magkatulad ang paninindigan ang Oman at Tsina sa isyu ng Palestina at Israel, at para sa dalawang bansa, ang diyalogo ay ang tanging kalutasan sa nasabing problema, dagdag niya.

 

Umaasa rin siyang muling masisimulan ang prosesong pangkapayapaan ng Gitnang Silangang sa lalo madaling panahon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio