MOFA: Tsina at Amerika, magsasagawa ng konsultasyon hinggil sa pagkontrol ng armas at non-proliferation

2023-11-03 16:15:13  CMG
Share with:

Ipinahayag Nobyembre 2, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa panahon ng pagdalaw ni Ministrong Panlabas ng Tsina sa Amerika, sinang-ayunan ng dalawang panig na magsagawa ng isang serye ng konsultasyon na kinabibilangan ng pagkontrol ng armas at non-proliferation.

 


Pinapanatili aniya ng Tsina ang mahigpit na pakikipagkomunikasyon sa mga pangunahing bansa ng daigdig hinggil sa isyu ng pagkontrol ng armas at non-proliferation.

 

Ayon kay Wang, idaraos sa Washington D.C. sa susunod na linggo ang konsultasyon ng Tsina at Amerika na dadaluhan ng delegasyong pinamumunuan ng namamahalang tauhan ng Departamento ng Pagkontrol ng Armas ng Ministring Panlabas ng Tsina.

 

Ayon sa mga napagkasunduan ng dalawang panig, magsasagawa ng mga diyalogo at pagpapalitan ang Tsina at Amerika hinggil sa pagpapatupad ng internasyonal na kasunduan sa pagkontrol ng armas, at non-proliferation, saad ni Wang.

 

Salin:Sarah

Puildo:Ramil