Lakas-panulak sa kooperasyong Sino-Amerikano, nananatiling malakas – Wang Yi

2023-10-30 16:26:34  CMG
Share with:


Washington, D.C.– Sa kanyang pakikipag-usap, Oktubre 28, 2023 sa mga kinatawang-komersyal at representante ng iba pang sektor ng Amerika, inilahad ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na nananatiling matatag ang lakas-panulak ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Amerika.

 

Kasama ng panig Amerikano, nakahanda aniyang totohanang ipatupad ng Tsina ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa.

 

Aniya, kailangang magkasamang magpunyagi ang dalawang panig, upang alisin ang mga hadlang sa pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika sa San Francisco.

 

Ikinasigla naman ng mga kalahok ang unti-unting panunumbalik ng diyalogo at pagpapalitan ng kapuwa panig sa iba’t-ibang antas.

 

Anila, lubos na pinahahalagahan ng komunidad na komersyal ng Amerika ang transisyon ng Tsina tungo sa de-kalidad na pag-unlad, at mataas ang kanilang kompiyansa sa merkadong Tsino.

 

Suportado rin nila ang mabibisang hakbangin ng dalawang pamahalaan, upang bigyang-ginhawa ang pagpapalitan ng mga tauhan.

 

Umaasa silang lalawak pa ang bilateral na kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhaya’t kalakalan, siyensiya’t teknolohiya, inobasyon, at pagbabago ng klima, upang ihatid ang mas maraming benepisyo sa Amerikano at Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio