Isang liham na pambati ang ipinadala Lunes, Nobyembre 6, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kauna-unahang Belt and Road Conference on Science and Technology Exchange.
Tinukoy ni Xi na ang kooperasyon sa siyensiya’t teknolohiya ay mahalagang bahagi ng kooperasyon ng Belt and Road.
Palalaganapin aniya ng panig Tsino ang diwa ng Silk Road na may kapayapaan, kooperasyon, pagbubukas, pagbibigayan, mutuwal na pagkatuto, at mutuwal na kapakinabangan; malalimang ipatupad ang plano sa inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya ng Belt and Road; pasulungin ang pandaigdigang pagpapalitan sa siyensiya’t teknolohiya; hayaan ang paghahatid ng bunga ng inobasyon ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng iba’t ibang bansa; tulungan ang de-kalidad na pag-unlad ng Belt and Road; at pasulungin ang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Sa ilalim ng temang “Together for Innovation, Development for All,” binuksan nang araw ring iyon sa Munisipalidad ng Chongqing sa timog kanluran ng Tsina ang nasabing komperensya.
Salin: Vera
Pulido: Ramil