Itinaguyod Lunes, Oktubre 30, 2023 sa Athens, Gresya ng China Media Group (CMG) ang Belt and Road dialogue.
Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagsusumite ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Belt and Road Initiative (BRI).
Aniya, ang Gresya ay mahalagang kasali sa kooperasyon ng BRI, at matalik na kaibigan at katuwang ng Tsina sa Europa.
Kasama ng mga sirkulo ng kultura, media at iba pa ng Gresya, isasabalikat ng CMG ang kooperasyon sa mas maraming larangan at mas malalim na antas, upang maging tulay ng pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at mag-ambag sa pagtatatag ng mas malakas na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Samantala, isang memorandum sa pagpapalalim ng kooperasyon sa mga aspektong gaya ng pagkokober ng mga balitang pandaigdig at magkasamang produksyon ng mga balitang pinansyal at ekonomiko ang nilagdaan ni Shen at Dimitris Melissanidis, may-ari ng pahayagang Naftemporiki, kauna-unahang financial newspaper sa Gresya.
Bukod diyan, narating din ng CMG at kompanyang Griyego na Nova Telecommunications & Media S.M.S.A. ang landing agreement.
Ayon dito, palalakasin ng CGTN English at CGTN Documentary ang kanilang pagsasahimpapawid sa Gresya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio