Pangulong Tsino, nanawagan ng higit pang pagsisikap para itatag ang mapayapang Tsina

2023-11-07 16:36:58  CMG
Share with:

Nanawagan kahapon, Nobyembre 6, 2023 sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng higit pang pagsisikap para pasulungin ang inisyatiba ng pagtatatag ng mapayapang Tsino sa mas mataas na lebel.

 

Sinabi ito ni Xi sa kanyang pakikipagtagpo sa mga kinatawan ng modelong yunit na nag-aaplay ng “Fengqiao model” para sa pagpapasulong ng pamamahala sa lebel ng komunidad.

 

Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, nakipagtagpo sa mga kinatawan ng modelong yunit na nag-aaplay ng “Fengqiao model” para sa pagpapasulong ng pamamahala sa lebel ng komunidad (photo from Xinhua)


Hinikayat sila ni Xi na ipagpapatuloy ang kanilang trabaho at lalo pang paunlarin ang “Fengqiao model” para sa pagpapasulong ng pamamahala sa lebel ng komunidad sa makabagong panahon.

 

Nilikha ng mga mamamayan ng Fengqiao ng lalawigang Zhejiang ang “Fengqiao model” mga 60 taon na ang nakalilipas.

 

Ang “Fengqiao model” ay kilala para sa paglulutas ng mga alitan sa lebel ng komunidad sa paggamit ng lakas ng mga mamamayan. Mula noon ay na-promote na ito sa buong bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil