Pangulong Tsino: Ugnayan ng Tsina at Timog Aprika, pumasok na sa ginintuang panahon

2023-11-07 16:16:43  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing – Sa kanyang pakikipagtagpo Lunes, Nobyembre 6, 2023 kay dumadalaw na Pangalawang Pangulong Paul Mashatile ng Timog Aprika, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang kasalukuyang taon ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Timog Aprika, at pumasok na sa “ginintuang panahon” ang bilateral na relasyon.

 

Kasama ng Timog Aprika, nakahanda aniya ang Tsina na walang patid na pasaganahin ang nilalaman ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, at pasulungin ang kanilang ugnayan sa bagong antas.

 


Ipinaabot naman ni Mashatile ang pangungumusta ni Pangulong Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika kay Xi.

 

Pinasalamatan din niya ang pagkakataong ginawang guest country of honor ng Ika-6 na China International Import Expo (CIIE) ang Timog Aprika.

 

Umaasa siyang ibayo pang palalakasin ang ugnayang pangkabuhaya’t pangkalakalan sa Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil