Nakipagtagpo Lunes, Nobyembre 6, 2023 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Anthony Albanese, dumadalaw na Punong Ministro ng Australia.
Ang pagtatagpong ito ay palatandaan ng pagkabagsak sa yelo ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na sa malalimang pagbabago ng kalagayang pandaigdig, dapat igiit ang tumpak na direksyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-Australian, at pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, batay sa mga komong kapakanan.
Si Punong Ministro Anthony Albanese ng Australia, habang bumibisita sa Temple of Heaven sa Beijing.
Inihayag naman ni Albanese na ang relasyon ng dalawang bansa ay hindi dapat bigyang liwanag ng mga alitan. May malawakang komong kapakanan ang Australia at Tsina, at ang diyalogo at kooperasyon ay siyang tumpak na pagpili.
Nitong nakalipas na ilang taon, sumadlak sa deadlock ang relasyong Sino-Australian, dahil sa estratehiya ng mga dating pamahalaan ng Australia na gaya ng pag-ban sa 5G ng Huawei, paulit-ulit na probokasyon sa Tsina sa isyu ng Xinjiang, South China Sea at iba pa, bagay na humantong sa malubhang pag-urong ng bilateral na relasyon, at nakapinsala rin sa sariling kapakanan ng Australia.
Ang pagtatagpo nina Pangulong Xi at Albanese sa Bali Island noong Nobyembre ng 2022 ay direktang nakapagpasulong sa pagpapanumbalik at pagbuti ng ugnayan ng dalawang bansa.
Sa kasalukuyang biyahe ni Albanese sa Tsina, dumalo siya sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-6 na China International Import Expo (CIIE), at kasali rin dito ang halos 200 kompanyang Australian.
Optimisitiko ang pananaw ng mga kompanyang Australian sa prospek ng merkadong Tsino, at buong pananabik na inaasahan nila ang pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa.
Pinasimulan na ngayon ang makabagong kabanata ng relasyong Sino-Australian. Inaasahang sa susunod na 5 dekada, susundin ng dalawang bansa ang agos ng panahon, pahihigpitin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan sa proseso ng mapayapang pakikipamuhayan, at isasakatuparan ang komong kaunlaran sa pamamagitan ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil